Chapter 7 | Girl for Lee

659 Words
[Julia's POV] Pinigilan ko si Nina na nang makita kong lalagyan niya pa ng Chili powder ang sauce. Masyado na kasing magiging maanghang ang pagkain at kawawa naman yung mga hindi kayang i-handle yung anghang tulad ng anak ko at ni Daddy pati si Sarah. Kinalaunan ay ihahanda na namin ang dish sa dining table at naroon na ang buong pamilya maliban sa aking asawa...si Franco. Dapat nakaupo rin siya diyan eh. Inilapag na ni Nina ang Side dish sa lamesa at unang tinikman iyon ni Daddy at Mommy. Ilang saglit matapos tikman nina Mom and Dad ang Dish ay nagbigay sila ng komento. "Masarap! Wow, i didn't expect to taste this one differently." ani ni Daddy. "Bakit po dad?" tanong ni Nina. "Mas masarap ito kumpara nung dati mong luto Nina. Sobrang anghang nung isang iyon and honestly i can't handle the spiciness." sagot ni Mom at nakita ko naman ang mukha ni Nina na medyo nasaktan. "Mom, uhmㅡmasarap naman po yung nakaraan. Sobrang masarap po talaga hahaha!" gatong ko sa sinabi ni Mommy kay Nina. "Pero mas gusto namin ng Daddy mo ang dish ngayon dahil tumulong ka at malamang tinuruan mo si Nina na wag masyadong anghangan ang sauce." sabi ni Mommy. Si Nina naman ay tahimik lang na nakatingin sa isang tabi. "Hey, Daughter. Don't feel bad about what your mom's said. Nagpapaka-honest lang siya sa sinabi niya. Sobrang maanghang talaga pero overall, sobrang sarap naman ng luto mo nung nakaraan pero sobrang intense nga lang haha!" natutuwang sabi ni Daddy. "Honey, Don't feel bad. I like your dishes dahil naka graduate ka ng bachelor sa cuisine. Kaya lang minsan napapasobra ang tapang ng lasa, and naiintindihan ko naman iyon dahil ayun ang prefer mong taste sa food pero aaminin ko masarap naman talaga." dagdag pa ni Mommy. "Oo nga Mom, masarap kaya yung luto mo pag sobrang anghang!" natutuwang sabi ni Lee. "Halika na Nina." nakangiting aya ni Trevor at lumapit naman ako kay Nina tapos hinawakan ko ang kamay niya. "Halika na Sis, kumain na tayo." mahina kong sabi sakanya pero bumitaw siya saakin at umupo sa tabi nina Lee at Trevor. Nako...Hindi dapat sinabi ni Mommy iyon dahil malamang nasaktan si Nina ng sobra. Umupo narin ako sa tabi ni Billy at kumain narin. [Billy's POV] Ngayong umaga ay nasa school na kami ni Lee at nakaupo na kami sa aming mga upuan. May tatalong Vertical Row ng mga upuan na magkakadikit at nakaharap sa aming pisara at may dalawa pang ganoong row sa magkabilang gilid ng row sa gitna, bali may dalawang daan sa...oh diba sabi sainyo di ako magaling mag explain ng nga bagay-bagay eh. Basta 34 kaming lahat sa loob ng classroom! Habang nagtuturo ang Foreign Language professor namin ay may biglang babaeng student na dumating sa pintuan ng room namin. Dark red ang buhok niya at aaminin ko maganda siya. Bagay sila ni Lee haha! Pareho silang matapang ang hitsura at mukha. "Yes?" tanong nung professor namin. "Uhm, sorry po late enrollee po ako Sir. And dito po ako naka-assign na room. Can i go in?" tanong nung babae. "Oh, okay. Pero introduce mo muna yung self mo sa harap okay?" sabi nung professor namin at ngumiti siyang pumwesto sa harap at nagpakilala. "I am Navee Min,19 Years old at nakatira ako sa OakVille villageㅡ" patuloy niya sa pagsasalita. OakVille? malapit lang iyon sa Village namin ah? "And my talent is singing." sabi ni Navee at pinag-example siya ng prof namin at mga classmates. Ikinasa ang lalamunan niya at nagsimulang kumanta. Kinanta niya ang 'Remember ng Twillerce' at maraming namangha sa boses niya isa na kami ni Lee doon at ang Prof namin. Kahit Chorus lang ang kinanta niya napaka ganda. Pinaupo na siya ng prof namin sa likod ni Lee dahil may vacant seat doon katabi ng isang babae. She looks so Confident and Beautiful. Opposite kung ano si Jelly. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD