[Vaness' POV]
"Layuan mo ang apo ko dahil masaya na siya saamin kasama ang Mama niya maliwanag?" sabi ko at pinutol ang linya tapos iniabot ulit ang phone ng apo ko sakanya. "Lola..." putol nitong sabi. "Apo naman, diba pinagbawalan na kitang makipag-communicate sa Papa mo?" sabi niya at napayuko nalang siya.
Umupo ako sa tabi niya sa kama niya at inilapat ko ang aking kamay sa likod niya. "Billy, apo...Hindi ka ba masaya dito?" tanong ko. "Masaya naman po Lola pero, katulad po ng ibang anak...naghahanap din po ako ng aruga ng isang ama." malungkot niyang sabi. Masyado ba akong nagiging mahigpit sa mga apo kong si Billy at Lee? Nasasakal ko pa sila? ayokong dumidikit si Billy sa tatay niyang low class at ayoko rin naman siyang malungkot. Nag-isip ako saglit at hinaplos ang likod ni Billy. "Halika, Apo. May pupuntahan tayo." sabi ko.
Ngayong ay nagpunta kami sa Construction site kung saan nagtatrabaho si Franco at nakita ko ang mukha ni Billy na sobrang saya kaya masaya rin ako. "Sigurado po kayo na pwede ito Lola?" tanong ni Billy at ngumiti ako sakanya. "Oo naman apo. Basta para sayo, okay? hahaha" ani ko at niyakap naman niya ako ng mahigpit tapos tumakbo na siya sa papa niya na naglalagari ng kahoy.
"Papa!" tawag ni Billy sa papa niya at natuwa sila ng makita ang isa't isa tapos nagyakapan. Ako naman naglalakad ng dahan-dahan papunta sakanila at nakangiti ng sobrang kaunti. "Billy, anak! Miss na kita hahaha! Ang laki mo na talaga." ani ng kanyang papa at napatingin ito saakin. "Maㅡmagandang hapon po Mrs.Ruby." nakangiti niyang bati pero may pagkahiya sa tono niya. Ako naman ay walang emosyon na nag bow ng sobrang kaunti at nag bow rin siya pero mas malalim bilang paggalang.
[Nina's POV]
Gabi na at narito kami ngayon ng asawa kong si Trevor, Julia, si Daddy sa Van ni Unclo Hideo. Ewan ko pero sabi niya wag na raw mag hire ng driver ang family namin dahil dagdag gastos lang daw kaya nag boluntaryo siya, na siya nalang ang maging family driver namin. "Nakauwi na ba ang mga apo ko sa mansyon?" tanong ni Daddy. "Opo, Dad." sagot ko. Si Dad ay nakaupo sa Harap sa passenger seat at kami naman ni Julia ay nasa likod at nasa-gitna namin si Trevor. This night is so quiet for us. "Dad, ipagluluto kita mamaya ng paborito mong side dish. Kayo ni Trevor haha!" masaya kong sabi. "Wow, Nice Hon. Craving ako doon ngayon, kayo po ba Dad?" tanong ni Trevor kay Daddy. "Okay, sige haha gusto ko iyan Nina." sagot ni Dad.
"Ah! Nina, tulungan na kita mamaya para mapabilis ang pagluluto mo. Wala rin naman akong gagawin mamaya eh." masayang sabi ni Julia. Ang taas talaga ng level ng pagiging epal nito. "Ah wag na Julia, kaya ko naman iyon mag-isa." sabi ko ng mayroong mga pekeng ngiti sa mukha ko. "Nako, Nina hayaan mo nang tulungan ka ng kapatid mo. Diba? para makain natin agad ang lulutuin mo haha!" natutuwang sagot ni Daddy. Natawa nalang din ako ng peke sa sinabi ni Dad. Aaarrgghhh!!! Nakakainis talaga ikaw Julia! Ayoko siyang patulungin dahil pagtumulong siya kakaririn nanaman niya ang pagluluto tapos matatapalan nanaman ako kaya siya nanaman ang bida sa mata nina Mom and Dad!
Siniko naman ako ng mahina ni Trevor at tumango siya habang nakangiti. Hindi ko maintindihan kung bakit medyo close din itong asawa ko at si Julia eh. Kinalaunan ng makauwi kami ay nagtungo na kami ni Julia sa kusina. Tinali ko ang aking mahabang buhok sa istilong pony tail at si Julia naman ay naka Bun shape ang buhok tapos pareho kaming naka apron.
Bigla namang pumasok sa kusina si Billy. "Anak! saan ka pala galing?" tanong ni Julia. "Ah, Mama! sinamahan po ako ni Lola pumunta kay Papa hahaha!" masayang sabi ni Billy. So, kelan pa nagkasundo sina Mommy at Franco? "Talaga anak? Hindi ba nagalit ang lola mo?" tanong ni Julia. Hay puro chismisan! "Hindi po Mama, Ay! Hello po Tita Nina! magluluto po kayo ni Mama?" tanong ni Billy. Obvious ba? "Ah! Oo Billy, antayin mo ah, masarap ito kasi gawa ni Tita Nina!" excited kong sabi. "Billy!" tawag pa ng anak ko kay Billy sa labas ng kusina at pumunta siya dito. "Saan ka galing?" tanong ni Lee. "Ah, dumalaw ako kay Papa. Sinamahan ako ni Lola, sorry ah di ako nakapag-paalam kanina." ani ni Billy. "Ah kaya pala medyo matagal ka haha. Ano, masaya ba?" tanong ni Lee.
"Oo naman masayang-masaya!" sagot ni Billy at tumingin saakin si Lee. "How's your first day of college anak?" tanong ko at lumapit naman saakin si Lee tapos niyakap ako at hanaplos ko ang ulo niya. "Mom Don't touch my hair!" inis niyang sabi at natawa naman ako. Ayaw ni Lee na ginagawa ko iyon sa buhok niya para siyang daddy niya. "Bakit, nagtatanong lang ako?" natatawa kong sabi. "Okay lang ang first day ko syempre kasi pinabaunan mo ako hahahaha! Ano lulutuin niyo ni Tita Julia?" tanong ni Lee. "Ah, Spicy Rice Cakes and Fish Cakes." sabi ko. "Wow, Spicy! Galingan niyo magluto ah?" sabi ni Lee. "Oo naman Lee kami pa ng Mommy mo?" nakangiting sabi ni Julia at natawa naman sina Billy at Lee tapos lumabas na sila ng kusina.
"Oh ano handa ka na?" tanong ko at nakangiting tumango si Julia. We Washed and prepared all the ingredients tapos nag proceed na kami ni Julia sa pagluluto. Nang pinakukuluan ko na yung Sauce at dadagdagan ang chili powder ay bigla akong pinigilan ni Julia. "Ah! Nina!" pigil niya saakin kaya napahinto ako sa gagawin ko. "Why?" tanong ko. "Wag mo na sanang dagdagan ang spicy level kasi nilagyan ko na siya kanina niyan. Baka hindi nila makain sa sobrang anghang...diba?" ani ni Julia. Pakelamerang palaka! Bida-bida talaga. "Eh mas gusto nila ang spicy kesa sa mild. Masyado kasing boring pag walang anghang ang dish." pagmamataas kong paliwanag. "Pero hindi lang ikaw ang kakain Nina, Remember? haha!" sabi niya. b***h.
[To be Continued...]