[Julia's POV]
Nagkita kami ng matalik kong kaibigan na si Noli. May Kotse kasi siya eh kaya pag may pupuntahan ako, sinasabi niya sakanya nalang ako sumakay haha! "Sakay na Bes!" sabi niya at ngumiti akong sumakay sa kanyang kotse. "So, saan tayo pupunta?" tanong niya. "Sa Con-Site bes haha." sagot ko. "Alright!" nakangiti niyang sagot at pinatakbo niya na ang sasakyan.
Puro lang kami kwentuhan at tawanan sa loob ng kotse hanggang sa kinalaunan ay makarating na kami sa Construction site ni Franco. "Wait lang bes ha? bigay ko lang ito kay Franco." paalam ko. "Sasama na ako bes, tara na." ani niya at tinanggal na namin ang aming seatbelt tapos lumabas na sa sasakyan. I walk towards the back of my Husband habang nagmi-messure siya ng plywood at tinakpan ang mata niya. "Uy! Hay nako Julia Honey, alam kong ikaw iyan. Hindi naman ganyan ang texture ng kamay ni Billy eh." sabi niya at humarap samin. "Mali!! Hahahahahaha!" natatawang sabi ni Noli dahil sabi ko siya yung magtakip ng mata ni Franco. "Narito kaya ako, Franco." sarkastiko kong sabi at nahiya naman ang mukha niya. "Sorry, mali pala ako hahaha!" nahihiya niyang sabi at niyakap ko siya. "Okay lang ano ka ba, pareho kami ng texture ng kamay ni Noli, right bes?" sabi ko at nakangiting tumango si Noli. "Honey, ito ang almusal mo at may tanghalian ka na rin diyan." sabi ko at ibinigay sakanya ang dalawang bento box na magkapatong. "Ito pa ang inumin mo oh." dagdag ko pa at ibinigay sakanya ang stainless na tumbler ng malamig na tubig. "Maraming salamat Julia. Ikaw? kumain na ba kayo ni Noli?" tanog niya. "Oo, pare kumain na kami. Salamat." sagot ni Noli habang pinupunasan ko naman ng pawis si Franco. "Eh si Billy, kumain ba iyon bago pumasok? Unang araw niya ngayon sa kolehiyo diba?" dagdag pa ni Franco. "Yes, Honey. Nag sabay sila ng pinsan niya kanina pumasok ulit. Hinatid din sila ni Uncle Hideo sa kanilang University." sagot ko at nakangiti naman siyang tumango. "Kumain ka na diyan alam kong hindi ka pa nag-aalmusal." nakangiti kong sabi.
Gumagawa kasi sila ng 3rd floor na bahay sa isang subdivision. Kahit tanghaling tapat sige ang kilos, kawawa naman ang nga worker. "Julia, Pinayagan ka na ba nina Papa at Mama na makipag-kita saakin?" tanong ni Franco at nagkatinginan naman kami ni Noli saglit at ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Franco. "UhmㅡHindi pa Honey eh." mahina kong sabi. "Julia, paano iyan? baka mamaya malaman nila ito at malalagot ka pa." pagaalala ni Franco. "Franco, hindi naman nila malalaman ito. Tsaka ayaw kitang layuan dahil mahal kita at asawa kita." mariin kong sabi. "Pero Julia nakita mo naman kung gaano ako kaayaw ng magulang mo diba? Hindi nga sila dumalo sa kasal natin eh." sabi niya. "Franco, ang kasal nanaman ba ang iniisip mo? Tapos na iyon, kasal na tayo okay? nakatali na tayo sa isa't isa kaya wala na silang magagawa doon." paliwanag ko. "Oo nga pare, hayaan mo na! Move on, Move on din diba? it's almost 18 Years from that day." dagdag pa ni Noli.
"Nag-aalala lang naman ako baka mapalayas si Julia sa Ruby Mansion dahil saakin." sabi ni Franco. Ayaw kasi sakanya ni Mommy dahil mahirap lang si Franco. Hindi rin pinadalo ni Mommy sina, Daddy, Nina, Trevor, Lee at Sarah sa kasal namin ni Franco. Before we get married, maayos ang relasyon namin ni Mommy sa isa't isa pero medyo humina iyon nung ikasal ako sa lalakeng mahal ko na ayaw naman niya.
[Nina's POV]
I'm here in our own Company, ang Ruby Cosmetics. Dito ako nagtatrabaho, i am the Child of Owner...pati si Julia COO din siya dito. "Goodmorning, Ma'am Nina." bati saakin ng isang employee at ngumiti nalang ako sakanya. Kasama ko ngayon si Georgia sa Caféteria at nagku-kwentuhan kami dahil break time niya. "Oh my god, Mars don't tell me kaya wala pa dito si Ms.Julia kasi nagpunta nanaman siya sa asawa niya." sabi ni Georgia. "Ano pa bang dahilan Mars? Kaasar, ginagawa niya pa akong secret keeper niya." inis kong sabi.
At biglang dumating si Trevor, my Husband. He's from a wealthy family like me kaya gustong gusto siya nina Mommy and Daddy. A side that, masipag siya, matalino at responsable. But you know what i like about him? His Face and Body, he's such a Handsome Hunk. His Handsome Face, Hot Body and oh my gosh. "Afternoon, Love." bati niya saakin at sinalubong ko siya ng isang mainit at matamis na halik. He's lips, so soft and sweet just like mine.
[To be Continued...]