[Nelson's POV]
Kalungkutan...tuluyan na nga akong nilalamon ng aking kalungkutan. Sa Kumpanya, sa Asawa, sa mga Anak, mga Apo at sa Buong Pamilya. Narito ako sa Rooftop ng isang building at wala sa sariling nakatingin sa malayo. Walang emosyon, walang buhay. Ito ba talaga ang kapalaran ko? kung oo, tatanggapin ko. Pumikit ako at pumatak ang aking mga Luha, luha ng pighati. Dahan-dahan akong naglakad paabante.
Bawat hakbang ko ay ang pagsabay ng t***k ng aking puso na tila hindi ito sigurado at kinakabahan sa kung anong pinaplano ng aking utak. Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa ginagawang pag-abante. Ilang hakbang nalang ay nasa dulo na ako ng building. Patawarin niyo ako sa gagawin ko, pagod na pagod na ako at hindi ko alam kung maaayos pa ang magulo kong pamilya.
This is the end. I am here at the edge of the Building where i am. Pumikit ulit ako at muling pumatak ang aking mga luha. "Paalam, Ruby Family." bulong ko sa aking sarili at ilang segundo pa ay parang may nagtulak saakin sa gusali at tuluyan na nga akong nalaglag. Para akong nabingi at parang bumagal ang paggalaw ng lahat habang ako'y nalalaglag sa aking kamatayan, kinalaunan ay nakarinig ako ng tunog ng mga butong nabali at likidong nagkalat sa malakas na pagbagsak sa lapag at dumilim na ang aking paningin, Kamatayan...
-3 Months Earlier-
[Julia's POV]
Ngayong umaga ay nasa kusina ako at nagbabalot ng niluto kong pagkain para sa asawa kong si Franco. Kumakanta ako sa masayang tono gamit ang tunog ng humming ng biglang pumasok ang aking anak sa kusina. "Mama, papasok na po ako!" paalam niya at napangiti naman ako sa aking anak. Napaka-gwapo talaga ni Billy, binatang-binata na. "Ma, para po ba iyan kay Papa?" tanong nito. "Ah, oo anak! malamang hindi pa naga-almusal ang papa mo doon sa construction site." ani ko. "Edi kung ganoon, ako nalang po ang magdadala niyan kay Papa. Maaga pa naman po ang oras at kaya ko pa pong pumunta doon sa site." masaya nitong sabi at inilapat ko naman ang kanang kamay ko sa balikat ni Billy. "Billy, Anak...Ako na! Kaya ko na ito ano? tsaka isa pa, First day of school mo ngayon sa University niyo diba? Nako, kolehiyo na ang anak namin hahaha!" natutuwa kong sabi at napangiti naman siya. "Ayokong mahuli ka sa klase, tsaka kung may oras ka pa naman edi libutin mo muna yung University niyo or maghanap ka ng mga kaibigan." dagdag ko pa. "Sige na nga po Mama, oh pero kaya niyo na yan ha?" sabi niya. "Oo anak, kaya ko na ito haha!" sagot ko. "Billy! Tara na! ay, Goodmorning po Tita Julia." masayang bati ni Lee na naka-uniporme narin. Iisang university lang kasi ang pinapasukan nila kaya ganoon. "Goodmorning, Lee! Sige na Billy, pumasok na kayo ng pinsan mo!" aya ko at nagyakapan kami ng aking anak saka sila umalis ni Lee.
[Nina's POV]
Habang nagko-coffee ako dito sa Living Room ay tinawag ako ng aking anak na si Lee. "Mom! Goodmorning, papasok na kami ni Billy." sabi niya. "Oh, okay Son! Goodluck sainyo ng pinsan mo. Galingan niyo sa school huh?" nakangiti kong sabi at hinalikan ko si Lee sa pisngi niya at nairita naman siya. "Mom, stop it! hindi na ako baby!" inis nitong sabi. "Hahaha! For me, it is!" sarkastiko kong sagot at napangiti nalang siya. "Thank you po, Tita Nina. Alis na po kami." paalam ni Billy at nakangiti akong tumango sakanya. "Bye Mom!" paalam pa ni Lee at kumaway ako sakanilang dalawa bago pa nila isara ang pintuan ng Van ni Tito Hideo. Siya kasi ang hatid-sundo nitong dalawa since Elementary palang sina Lee at Billy.
Ang laki na ng anak kong si Lee. Parang kailan lang karga ko pa siya eh haha!
Pumunta naman ako sa kusina para ilagay doon ang ininuman kong tasa ng kape at nakita ko doon ang kapatid kong si Julia. Fraternal Twins kami at ewan ko kung bakit sabay din kami nabuntis at sabay kaming nanganak. "Oh, Nina ikaw pala? Nandyan pa ba sina Dad at Mom?" tanong niya. "Hm...wala na. Kanina pa sila pumasok sa Company. Bakit?" tanong ko at nahiya ang mukha niya bigla. "Pupuntahan mo nanaman si Franco?" dagdag kong tanong at nahihiya siyang tumango. "Julia, sabi nina Mom and Dad layuan mo na ang lalakeng iyan diba?" sabi ko. Ilang ako kay Julia kahit kapatid ko siya. Ewan ko ba, siguro dahil lagi nalang siya ang bida sa paningin nina Mom and Dad simula nung mga bata kami hanggang sa nagdalaga hanggang ngayon. Pero kahit si Julia ang mas magaling...mas maganda, mas sexy at mas matalino parin ako sakanya. Kakairita talaga ang babaeng ito.
"Nina, alam mo namang ayoko talagang gawin iyon. Ayokong mawalan ng tatay si Billy diba? Hindi naman sila magagalit kung hindi nila malalaman eh. Please Nina, let's keep this as our secret okay?" sabi niya. Ginagawa pa akong Safe ng babaeng ito ng mga sikreto niya. "Oo na sige na. Basta ba pag-nahuli ka wala akong kasalanan diyan ah? Don't blame me if you get caught." pilit kong sabi. "Yes! Oo naman Nina, ikaw pa ba? hahaha! Maraming salamat Sis!" natutuwa niyang sabi at niyakap ako. Habang yakap niya ako ay napairap nalang ako sa wala. Gusto kong sabihin na wag niya akong yakapin dahil mag-aamoy pagkain ang damit ko na pinabangohan ko ng expensive na pabango na mas expensive pa sa Wedding ring nila ng asawa niya.
[Billy's POV]
"Patingin nga ng baon mo? hahaha!" sabi ni Lee. "Bakit nanaman eh pareho lang ulit tayo ng ulam ano." natatawa kong sabi. "Patingin ako." malamig pa na sabi ni Lee at nawala naman ang mga ngiti sa aking mukha. Hayyy...Kinuha ko ang Bento box ko sa aking Bag at dahan-dahan iyon binuksan habang nakaharap sakanya. "Oh ito na." mahina kong sabi at sumimangot siya saakin. "Sabi ko na nga ba, wala ka nanamang dalang Spoon and Fork and Chopsticks eh. Tsk! Tsk! Tsk!" sabi ni Lee habang umiiling. "Sorry, Lee pero hindi ko talaga kayang gumamit ng kutsara at tinidor ng matagal eh." nahihiya kong sabi habang kinukuha niya ang isang spoon and fork pati chopsticks sa bag niya. "Oh ito na, gamitin mo." sabi niya at tinanggap ko naman iyon. "Salamat Lee pero wala ka namang gagamitin." sagot ko. "Meron kaya, sinadya ko talagang magdala ng extra para sayo dahil alam kong wala kang dala. See? tama ako." nakangiti niyang sabi at napangiti nalang din ako. "Billy, Nasa University tayo. Wala tayo sa karinderya okay? Nakakahiya kung magkakamay ka dito sa pagkain lalo na't alam ng buong eskwelahan na ang dalawang Ruby Heiresses ay dito mag-aaral sa Oakside University. Don't you know that?" ani ni Lee.
"Ahㅡganun ba? So, kilala at VIP's tayo dito sa University na ito?" tanong ko. "Indeed." nakangiti niyang sabi. "At ang mga mayayaman, hindi nagkakamay sa hapagkainan. Kaya mamayang Breaktime gamitin mo iyan sa pagkain mo." paalala pa ni Lee.
"Tama si Lee, Billy haha!" natutuwa pang sabi ni Tito Hideo. Uhm, He's actually our Lolo, kapatid kasi siya ni Lolo Nelson. Pero hindi naman siya mukhang Lolo kaya napagkasunduan namin ni Lee na Tito nalang ang itawag sakanya at gusto rin naman ni Tito Hideo iyon haha! "Ang ganda-ganda ng Uniporme niyo tapos magkakamay ka lang?" nakangiti pang sabi ni Tito. Maganda naman talaga ang uniform naming mga lalake dito. White Polo na may Royal Blue Chaleco suit at may patch ng logo ng University sa bandang kaliwa sa dibdib tapos nakasuot kami ng Dark Grey na slocks, Black shoes at white socks din. Dalawa ang design ng White Polo ng boys at girls, isang long sleeves at isang short sleeves, ikaw ang bahala kung anong polo ang gagamitin mo basta dapat nakapatong parin ang chaleco suit. Ang pinagkaiba lang ay Hot pink ang kulay ng chaleco sa babae at regular color na grey naman ang skirt nila na hanggang taas ng tuhod ang haba. Naka black high heels din sila at pwede ang walang white socks sakanila.
"Nandito na tayo sa School ng mga apo ko na kunwari mga pamangkin ko!" masayang sabi ni Tito Hideo at sabay kaming nagpasalamat ni Lee sa paghatid niya saamin. "Oh, galingan sa First day of School ha?" paalala ni Tito. "Tito, First day pa nga lang diba? Introduction palang wala pang regular na lessons haha!" natatawang sabi ni Lee at natawa rin si Tito habang bumababa kami ng Van. "Tito Hideo!" tawag ko sakanya at lumingon siya saakin ng ngiting tagumpay. "Magpa-car wash ka na kasi may poopoo yata ng pusa sa gulong mo sa harap sa kanan. Ayun oh?" sabi ko. "What the?! kakapalinis ko palang ah?" inis na sabi nito. "Pero meron ulit." dagdag ko pa. "Eww, Tito! hahahaha!" pangaasar ni Lee at naglakad na kami paalis sa parking lot para pumasok sa gate ng University. Wow, napakalaki dito! As in Legit na ang laki ng University! Gate palang malaki na! At ang dami ring student...oohh...nahihiya ako.
Bigla namang tinapik ni Lee ang likod ko kaya nagulat ako. "Alam kong kabado bente ka. Don't be scared okay? Walang mambu-bully sayo dito dahil apo ka ng pinakamayamang lalake dito sa siyudad natin." nakangiting paalala ni Lee. Bilib ako kay Lee dahil napaka-tapang niya. Wala siyang inuurungang pagsubok sa buhay at lagi niya akong pinalalakas pag natatakot o nanghihina ako. I'm so proud he's my Cousin.
[To be Continued...]