[Continuation to Julia's POV]
Kinalaunan ay dumating na ang ambulansya at dinala na ang katawan ni Daddy sa loob ng ambulansya saka siya idiniretso sa ospital. Sinabay namin kami ni Tito Hideo sa kanyang Van para sumunod sa ospital. Tahimik na umiiyak si Hideo while driving tapos humahagulgol naman si Mommy at yakap-yakap siya ni Nina at Sarah na umiiyak din. Si Lee naman ay tahimik lang sa harapan katabi si Tito at naluluha rin. Kami nila Billy, Franco at Trevor ay narito sa 2nd Backseat ng Van at panay rin ang tulo ng luha.
Nang makarating na kami sa ospital ay wala na talaga. Hindi na mabubuhay si Daddy sa ganoong hitsura niya. Bali ang mga buto, Marami naring dugo na nawala sa katawan niya kaya wala na raw sabi nung doktor. Idiniretso narin siya sa loob ng morgue ng ospital at sa labas ng morgue naroon kami lahat. Daddy...You can't do this to us! I hope panaginip lang ang lahat ng ito. Bakit kaylangan mamatay ni Daddy? Hindi naman siya masamang tao ah?! He's totally dead...Ayoko nito! Please! Ayoko mawalan ng ama! Nakikita ko na ang buhay ko 'pag wala si Daddy! Habang umiiyak naman ako at nakayuko ay biglang lumapit saakin si Mommy at nang tumingin ako sakanya ay nakita ko ang mga mata niyang nanggigigil at tila may mga luha na gustong kumawala, namumula narin ito dahil sa kakaiyak niya.
"This is all your fault, Julia...This is all your fault!" sigaw ni Mommy at sinampal niya ako ng malakas kaya nagulat naman ang ibang miyembro ng pamilya namin. Humarap ako kay Mommy ng buong tapang habang hawak ang pisngi ko na sinampal niya. "Bakit ba ako nalang lagi ang sinisisi niyo?! Lahat nalang ba saakin niyo isisisi Mommy?!" sambit ko sa mataas na boses. Nakakainis na kasi! Bakit ako nalang parati ang sinisisi niya?! Wala naman akong ginagawang masama ah! "Dahil kung hindi ka naging suwail, hindi mangyayari ang lahat ng ito! Edi sana hindi umalis ang Daddy mo! Edi sana buhay parin si Nelson! Buhay parin ang asawa ko!" gigil na sambit ni Mommy habang umiiyak at pinipigilan na siya ni Tita Sarah dahil sa eskandalong ginagawa. "Mom, paulit-ulit nalang ba?! Pag sinabi kong hindi ako ang kumuha ng kwintas mo, hindi ako! Bakit niyo ba pinagpipilitan na ako ang kumuha niyon?! Sabihin mo nga sakin Mom, may demonyo bang bumubulong sayo sa pamilya natin ha?" mariin kong tanong. "Ano kamo?" inis na tanong ni Mom. "Hayaan mo na nga ang babaeng iyan Mom! ang mabuti pa asikasuhin nalang natin si Daddy kesa nagsasayang tayo ng oras diyan kay Julia!" sabat ni Nina.
"Eh bakit ikaw Nina? Hindi mo inisip na nasasayang ang oras mo sa pananabutahe mo sakin para mapaalis ako sa mansyon?" malamig kong tanong kay Nina. "What the heck are you talking about, crazy woman?" mataray niyang tanong. Ngayon ilalabas ko na ang palaban side ko. "Wow! Mas mabuti na maging crazy woman kesa sa katulad mong inggiterang selosa, diba?" sarkastiko kong sagot at sinugod niya ako tapos sinabunutan. Hindi ako nagpatalo kaya hinablot ko rin yung buhok niya at nakipag-sabunutan ako sakanya.
"You b***h! Who are you para sabihan ako ng ganon?!" galit niyang sabi.
"I am your Good Twin Sister na pagod na pagod nang magpaapi at magpauto sayo kaya lalaban na ako para naman malaman mo na hindi ikaw lagi ang mananalo!" gigil kong sagot at inaawat na kami ng mga asawa at anak namin pero nagsasabunutan parin kami.
"Hayop ka bitawan mo ako!" irita niyang sabi.
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo inaamin na ikaw ang naglagay ng ruby necklace sa unan ko!" sabi ko.
"Wala akong alam sa sinasabi mong babae ka! Let me go!" sagot niya.
"Tumigil na kayo Ma! Tamana 'yan!" rinig kong awat ng anak ko kaya binitawan ko na si Nina at binitawan niya narin ako.
"Hayop ka, you ruined my hair!" inis na sambit ni Nina habang hawak siya nina Trevor at Lee. "Kulang pa yan Nina! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nananabutahe sakin sa mansyon?! Maghanda ka lang dahil hindi man ako sigurado ngayon, totoo naman ang kutob ko at patutunayan ko iyon sainyo!" gigil kong sabi habang hawak ako ng asawa ko at ni Billy. "Talaga?! Bring it on, Baliw!" sabi niya at pumagitna si Mommy. "Enough of this! Tumigil na kayong dalawa! Ikaw Julia, 'wag mong isinisisi sa iba ang kasalanan mo!" sabi ni Mommy saakin. "'Wag kang lalapit sa Daddy mo dahil baka mamaya may gawin ka nanamang hindi maganda! Sarah! Hideo! Tara na!" sabi ni Mommy at umalis na sila tapos sarkastikong ngumiti saakin si Nina bago niya ako talikuran. Napakasama talaga ng babaeng ito, malakas ang kutob ko na siya talaga ang may gawa ng lahat ng ito saakin!
[Nina's POV]
Hm! Natalo niya ako sa sabunutan kanina pero saakin parin ang tiwala ni Mommy at nang buong pamilya. Akala ba ng Julia na iyan matatalo niya ako ng madali? No, Way. Humanda kang babae ka dahil ipapakulong kita, Just wait b***h! Pero ngayon aasikasuhin muna namin ang burol ni Daddy. Kahit na ganito ang ugali ko, sobrang nalulungkot parin ako sa nangyari kay Daddy. Mahal na mahal ko si Daddy, pero hindi ko lang pinapakita. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya na nararapat sa pagkamatay niya. I have a feeling that Julia did it! Nang umalis kasi si Daddy sa mansyon ay ilang minuto lang ang dumaan at siya narin ang umalis. It's possible na sumunod siya kay Daddy or alam niya kung saan pupunta si Daddy tapos saka niya ginawa ang krimen. Ah basta! Pag nag-file na ako ng kaso, doon magkaka-alaman.
[To be Continued...]