[Writer's POV]
Day-Off ni Franco ngayon sa Construction work nila sa pinagta-trabahuhang site at habang naglilinis siya ng kanyang mga gamit ay may kumatok sa kaniyang pintuan. "Sandali lang." sabi nito at inilapag ang isang martilyo na kapapakintab niya lang saka tumungo sa pinto at nagulat siya ng buksan iyon. "JㅡJulia? Billy, anak? Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Franco sa mag-ina niya at pinatuloy niya ito sa bahay niyang hindi ganoon kalaki at hindi rin ganoon kaliit. May isang kwarto ito, kusina, sariling palikuran, bakuran at sala. Tiles din ang sahig at kulay puting pintura ang mga dingding. Malinis at maaliwalas kaya hindi maintindihan ni Franco kung bakit diring-diri ang nanay ng asawa niyang si Julia sa bahay niya.
"Love, Sorry ha? Biglaan kaming pumunta." sabi ni Julia habang nakaupo silang dalawa ng anak niya sa sofa ni Franco at kaharap din nila si Franco sa pang isahang tao na sofa. "Love, ayos lang sakin. Sa totoo lang, natutuwa nga ako na nandito kayo ng anak natin eh. Ang ikinagulat ko lang eh, bakit parang biglaan yata kayong napunta dito? Atsaka bakit dala niyo ang mga suitcase niyo? may nangyari ba Julia?" sunod-sunod na tanong ni Franco sa asawa. Nagkatinginan naman si Julia at si Billy ng malungkot. "Papa, pinalayas po si Mama sa mansyon. Kaya sumama nalang ako sakanya. Kesa naman na tumira ako sa luxurious na bahay eh kung hindi ko naman kasama ang mga magulang ko hindi ako sasaya." ani ni Billy at hinaplos naman ni Julia ang likod niya tapos niyakap. "Pasensya na anak ha? nadamay ka pa tuloy. You don't deserve this." malungkot na sabi ni Julia habang hawak ang kaliwang pisngi ni Billy.
"Teka sandali, bakit ka ba pinalayas Love?" pagaalalang tanong ni Franco. "Pinalayas ako ni Mommy. Yung nawawala niya kasing Ruby Necklace ay nakita nila sa ilalim ng unan ko kahit hindi naman talaga ako ang nagnakaw niyon at 'di ko rin alam kung paano napunta iyon doon. Franco, naniniwala ka naman saakin diba?" tanong ni Julia. "Oo naman Julia, asawa kita eh. Ang tanong bakit napunta iyon sa ilalim ng unan mo?" sagot ni Franco. "Hindi ko rin alamㅡPeroㅡAlam kong may nananabutahe saakin sa mansyon. Matagal na..." malamig na sambit ni Julia. "Sino naman Mama?" tanong ni Billy. "Ang tita Nina moㅡMay kutob ako na siya ang gumawa nito! Hindi nako papayag maulit pa niya ito. Sunod-sunod ang mga kamalasan at issue ko sa mansyon. Sa tuwing kinukumpronta ako nina Mom and Dad about doon ay lagi siyang nagsa-side comment! Lagi niya akong dinidiin sa mga bagay na hindi ko naman ginawa!" inis na sambit ni Julia. "Anong plano mo ngayon Love? Sigurado ka bang ang kapatid mo nga ang gumagawa nito sayo?" tanong ni Franco. "Sigurado ako Love! Wala naman nang ibang may galit saakin sa mansyon kundi si Nina lang. Nagalit lang din si Mommy saakin ng may magsumbong sakanya na nagkikita pa tayo. Eh kaming dalawa lang naman ni Nina at itong si Billy ang nakakaalam sa mansyon na dumadalaw parin ako sayo. Hindi na ako tatahimik! Lalaban na ako! Sumusobra na iyan si Nina." mariing sagot ni Julia at binalita naman sa Tv ni Franco na nakabukas ang isang Headline.
"Magandang Hapon mga Miniféng, kapapasok lang na balita na isang lalakeng may edad na ang tumalon sa isang gusali sa Birch Wood Street kaninang 1pm ng hapon. Kinikilalang si Nelson Ruby na CEO ng Ruby Cosmetics ang lalakeng tumalon saㅡ" ani ng reporter sa Tv at nanlaki naman ang mata nina Julia, Billy at Franco sa napanood na balita. Napatakip ng bibig si Julia at nagbabadyang tumulo ang kanyang luha sa napapanood.
Sa Crime Scene naman sa kalsada ay naroon ang katawan ng kawawang si Nelson. Bali-bali ang katawan at kalat ang patuloy na dugong umaagos sa kanyang duguang katawan. Tila naliligo sa sariling dugo si Nelson, walang hininga, walang buhay pero nakadilat pa ang kanyang mga mata. Sabi nila, pag ang tao daw ay namatay ng nakadilat ang mga mataㅡibig sabihin ay hindi pa daw ito handang mamatay. Hindi pa handang mamatay si Nelson, pero may pumatay sakanya.
[Julia's POV]
"Daddy! Daddy! Paraanin niyo ako tatay ko yan!" humahagulgol na utos ko sa mga pulis at nagpumilit akong pumasok sa loob ng crime tape kasama si Billy at Franco. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi ng katawan ni Daddy na wala nang buhay at duguan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit? Bakit nangyari ito kay Daddy?! Anong kasalanan niya?! Sobrang gaan kong hinawakan ang katawan ni Daddy at biglang may tumulak saakin kaya ako lalong napaupo sa lupa. Si Mommy at iyak rin siya ng iyak tulad ko habang kasama ang iba pang miyembro ng pamilya. "Nelson! Sinong gumawa sayo nito?! diyos ko Nelson! Asawa ko! Nasaan na ang ambulansya?! Bakit ang tagal-tagal?!" humahagulgol na sambit ni Mommy. Nakita ko naman na umiiyak din ang ibang miyembro ng pamilya dahil sa nangyari kay Daddy. Ano ba ito? Bakit ba nangyayari saamin ang ganito?
[To be Continued...]