[Continuation to Julia's POV]
Habang nakasakay kami ng anak kong si Billy sa loob ng taxi ay tinatawagan ko si Daddy. Nakita ko kasi siyang umalis kanina at sumunod si Tito Hideo sakanaya, di rin nagpasabi kung saan sila pupunta. Nag-aalala ako sakanya. Tawag ako ng tawag pero cannot be reached. Si Tito Hideo naman nakapatay ang phone. Gosh, what's happening? Isa pa itong Necklace ni Mommy, paano napunta iyon sa ilalim ng unan ko eh hindi nga ako pumapasok sa kwarto nila ni Daddy. Umalis nalang ako dahil yun ang gusto ni Mommy, ayokong magkagulo pa at palalamigin ko muna ang ulo ni Mommy bago ko patunayan sakanya na hindi ako ang ahas na nagnakaw ng Necklace niya. Hindi na ako papayag ng ganito. Ayoko na manahimik, lalaban na ako para samin ng anak ko at ng asawa kong si Franco.
___________
[Nelson's POV]
Kalungkutan...tuluyan na nga akong nilalamon ng aking kalungkutan. Sa Kumpanya, sa Asawa, sa mga Anak, mga Apo at sa Buong Pamilya. Narito ako sa Rooftop ng isang building at wala sa sariling nakatingin sa malayo. Walang emosyon, walang buhay. Ito ba talaga ang kapalaran ko? kung oo, tatanggapin ko. Pumikit ako at pumatak ang aking mga Luha, luha ng pighati. Dahan-dahan akong naglakad paabante.
Bawat hakbang ko ay ang pagsabay ng t***k ng aking puso na tila hindi ito sigurado at kinakabahan sa kung anong pinaplano ng aking utak. Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa ginagawang pag-abante. Ilang hakbang nalang ay nasa dulo na ako ng building. Patawarin niyo ako sa gagawin ko, pagod na pagod na ako at hindi ko alam kung maaayos pa ang magulo kong pamilya.
This is the end. I am here at the edge of the Building. Pumikit ulit ako at muling pumatak ang aking mga luha. "Paalam, Ruby Family." bulong ko sa aking sarili. Hindi ko alam! Hindi ako sigurado sa gagawin kong ito! Mali ito! "Hindi! Ayoko ituloy ito!" nahimasmasan kong sambit at umatras ako ng kaunti tapos ilang segundo pa ay parang may nagtulak saakin sa gusali at tuluyan na nga akong nalaglag kaya napasigaw ako ng malakas. Para akong nabingi at parang bumagal ang paggalaw ng lahat habang ako'y nalalaglag sa aking kamatayan, kinalaunan ay nakarinig ako ng tunog ng mga butong nabali at likidong nagkalat sa malakas na pagbagsak sa lapag at dumilim na ang aking paningin, Kamatayan...
[Writer's POV]
Pagkalaglag ni Nelson sa baba ng gusali ay nagsigawan ang mga tao na nasaksihan ang pagbali ng kanyang mga buto at pagkalat ng mga dugo dahil sa malakas na pagbagsak sa lupa. Pinagmasdan naman saglit ng taong tumulak kay Nelson ang kinahinatnan nito saka tumakbo paalis sa rooftop. Sino ang tumulak kay Nelson at anong motibo?
"Mom? Saan ka galing?" tanong ni Lee sa Mommy niya na tila may pinuntahan sa labas. "Ah? Diyan lang anak haha! Halika na samahan mo ako gumawa ng miryenda." natutuwang sabi ni Nina habang pinagpapawisan at sumama si Lee sakanya sa kusina. "Mom, pawis ka oh? Ito punasan kita." sabi ni Lee. "Thank you Lee, mainit kasi kaya pinagpapawisan ang Mommy haha!" ani ni Nina sa anak. "Ang weird mo ngayon mom ah? Kanina ka pa namin hinahanap ni Dad nung umalis na sila Tita Julia dito 4 Hours ago. Sayang di mo nakita yung mga mukha nila, para silang mga hampaslupang pinalayas sa tinitirhan hahaha!" natatawang sabi ni Lee. Habang pababa sila sa kusina ay nakasalubong nila si Vaness. "Mom? Are you okay? Ba't parang amputla mo? Saan ka ba galing?" tanong ni Nina. "Ha? Diyan lang...ano nakaalis na ba sina Julia?" tanong ni Vaness. "Yes po Lola kanina pa nga eh." sagot ni Lee. "Buti naman." malamig na sabi ni Vaness at umakyat na ito sa kwarto niya.
[Hideo's POV]
Kauuwi ko lang ngayon sa mansyon at ipinasok ko na ang aking Van sa loob ng garage tapos bumaba na ako ng sasakyan. Kinuha ko ang isang box ng imported wines na binili ko para pang-stock sa aming bar area sa kitchen. Napatingin naman ako sa nadaanan kong salamin. Patay, mukha akong namumutla tapos pawis pa ako, ano ba ito? Huminga ako ng malalim at mabilis na dumiretso sa kusina para ilagay doon ang mga dala ko pero pagpasok ko ng kusina ay bigla akong binati ni Lee kaya halos mabagsak ko ang mga dala kong wine dahil nagulat ako ng sobra.
"Uh! Uncle! Sorry!" paumanhin ni Lee pero bumuntong hininga nalang ako. "Okay lang Lee, it's okay." sagot ko. "Ano yan Uncle?" tanong ni Nina saakin. "Ah, mga wine ito. Wala na kasi tayong stock, naubos na kaya bumili ulit ako." sagot ko habang nilalagay yung wine isa-isa sa cabinet tapos chinarge ko narin ang phone ko sa kitchen dahil low battery ito. "Bakit namumutla ka Uncle? Ang weird niyo ni Mommy, pareho kayong namumutla at kararating niya lang rin kaninang kaunti. Di naman sinabi kung saan galing. Magkasama ba kayo?" tanong pa ni Nina. "Ha? Hindi kami magkasama ah." sagot ko. "Eh ikaw rin naman mom, nung nakita rin kita kanina namumutla ka rin." natatawang sabi ni Lee habang tinutulungan si Nina sa pagluluto ng kung anong panghimagas. "Eh kasi nga pagod ako kanina tapos mainit pa. Lagi naman akong namumutla pag pagod." sagot ni Nina sa anak.
"Saan kaya pumunta si Daddy? Kanina pa siya umalis ah." mahinang sabi pa ni Nina. Oo nga pala, nasaan na kaya si Kuya? Sana...ayos lang siya. Sana walang...masamang nangyari sakanya.
[Nina's POV]
Kung nasaan man si Daddy, i bet he's okay. Nagpapalamig lang iyon, hindi naman siguro siya magpapakamatay dahil pinalayas ang isa niyang anak na paborito niya. Huh! At kung mamatay man si Daddy ay si Julia lang ang pwedeng sisihin at idiin dahil siya ang maraming nagawang mali recently.
[To be Continued...]