HINDI ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko hawak ang damdamin ng pamilya ko, lalo na si Tatay. He's my father at bunso n'ya ako. Kahit hindi n'ya madalas sabihin, alam kong lamang ang atens'yon n'ya sa akin kumpara sa mga kapatid ko. I am not saying my parents do not love my siblings, hindi 'yon. Iba lang ang bunso. Siguro dahil alam nilang huling iri na at wala ng susunod pa. "Gagawin ko ang makakaya ko para hindi ka bugbugin ni Tatay," nakangiwi kong sabi sa kanya. Kahit na sa likod ng isip ko ay mukhang imposible naman dahil nga ooperahan s'ya at hindi kaagad makakalakad. Tumango si Jacob. "Saan pala tayo matutulog sa inyo?" Napakamot ako sa kilay ko. "Ano kaya kung. . . ihatid mo na lang ako sa amin tapos umuwi ka na pagkatapos mong magpakilala sa kanila?" "Ha?"

