BATANGAS PORT PASADO alas s'yete na kami nakarating ng Batangas dahil tumigil pa kami para bumili ng makakain. Nagulat pa ako ng tumigil s'ya sa isang mini-stop at paglabas ay may bitbit na plastic. "Ano 'yan?" tanong ko sa kanya. "Chocolates and other junk," nakangiting sabi n'ya sa akin. Sa ganda ng katawan n'ya ay kumakain pala ito ng junk food at matatamis. "It's not for me. Nakwento sa akin ni Joy na may mga pamangkin ka daw. I thought they might like these. I mean as a kid, I won't say no to junk food, especially chocolate." Bumili pa talaga s'ya ng pasalubong para sa mga pamangkin ko. Ibang klase din makaalala ang lalakeng ito. Aminin ko man o hindi pero napakadali n'yang mahalin. Kaya naman malambot dito si Senyora kahit nag-iisang anak. Likas na malambing. Para lang s'yang wa

