NAGPUYAT talaga para sa reply ko? Ibig sabihin, seryoso s'yang ihatid at sunduin ako. Malay ko ba kung pabalat bunga lang 'yong offer n'ya. Pero mali rin ako, dahil hindi ko ipinaliwanag sa kanya kung bakit hindi ako nakasagot. Paano naman, magpapaliwanag pa lang ako naakusahan na n'ya ako. Still, I owe him an apology. Sige na nga. "I'm sorry," mahinang sabi ko sa kanya. He wasn't looking at me first pero noong humingi ako ng paumanhin ay nilingon n'ya ako. "What?" "Kailangan ulitin?" I rolled my eyes at him. "Magrereply naman talaga ako sa 'yo tapos noong napindot ko 'yong send, naubos na pala ang load ko. Tapos tulog na si Ate Leng kaya hindi ko mahiram ang cellphone n'ya o magpapasa ng load." "Pero magpapahatid at sundo ka talaga sa akin?" pagkaklaro n'ya. Tumango naman ako. Tipid a

