NANG makauwi kami ni Ate Leng sa bahay ay pasado alas otso na. Sa labas na kami naghapunan at s'yempre -- libre n'ya. Wala akong pera. Lihim akong sumulyap sa driveway para tingnan kung umalis si Sir Jacob. Sa malas ay wala ang kotse n'ya doon. "Hinahanap mo ang kotse n'ya ano? Shen, hindi ako nagkulang ng paalala sa 'yo ha," sabi ni Ate Leng sa akin. "Ayaw kong masaktan ka, kaya dahan dahan ka lang sa pagsinta. Mauna ka na sa kwarto, kukuha lang ako ng maiinom sa sa kusina." Tumango ako sa kanya at malungkot na ngumiti. Wala akong maisip na komento sa sinabi n'ya kanina dahil totoo naman 'yon. Sa totoo lang, mas ate pa nga sa akin si Ate Leng kaysa kay Ate Sofi. Pero hindi ko rin naman masisisi ang kapatid ko dahil may sarili s'yang pamilya na iniisip. Nang buksan ko ang pinto ay mu

