OKAY. Wala naman sa kasunduan namin na hindi s'ya dapat magsama ng ibang tao kapag susunduin o ihahatid n'ya ako. But it stings like a b***h, seeing him with another woman in the same car na sasakyan ko ngayon. Gusto ko na lang tuloy magjeep pauwi. "Sienna," tawag n'ya ulit sa akin at kumaway pa. Pinatinginan tuloy ako ng mga tao dito sa campus. Lumapit ako sa kanya at bumati. "Hi." Saglit na kumunot ang noo n'ya nang mapansin ang tension sa pagitan namin. "What's wrong? Was I late?" tumingin pa ito sa relo. Umiling ako. "Hindi. Actually, magcocommute na lang sana ako. Mukhang may lakad pa kayo, makakaabala lang ako." Nang tapunan ko ng tingin ang babae ay nakatungo ito at tuloy ang text. Lumapit sa akin si Jacob at hinaplos ang pisngi ko. "Are you jealous?" nanunudyo ang mga mata

