HUWAG kasing masyadong feeling, Shen. To the nth level tuloy ang hiya mo. Nang ipasok n'ya kotse at tinungo ang parking lot ay alas s'yete y media pa lang. Nagtitinginan ang mga estudyante sa kotse ni Sir Jacob. Bakit hindi? Ito lang naman ang latest sports car ng Mercedes. Kahit yata sampung taon akong magtrabaho at hindi kumain ay hindi ko maaafford ang ganitong kotse. Not to mention, hindi naman bagay sa akin. Kung magkaroon man ako ng pera, mas una kong ipagagawa ang bahay namin para hindi na lupa ang sahig at hindi pawid ang bubong. "Sige, mauna na ako," akmang bababa na ako para maglakad papunta sa main building nang pigilan n'ya ako sa braso. "Wait, sabi mo alas otso pa ang klase mo? Then stay here and eat breakfast with me." Anong breakfast ang sinasabi n'ya eh isang kape at is

