Chapter 33

1013 Words

NAGPAALAM na rin kaagad si Michael nang malaman n'yang kasama ko si Jacob at sinabi na kung may kailangan ako ay magsabi lang sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay pinuntahan namin sina Nanay at dinalhan ng makakain habang si Kuya Seth ay sinamahan ni Jacob na magyosi sa labas.  Noon pa mang kolehiyo ay naninigarilyo na ito ay hindi makatigil. Binilinan ko si Jacob na huwag maninigarilyo at kung alukin s'ya ay tumanggi. Biniro pa n'ya ako na feel na feel ko na daw ang pagiging nobya n'ya. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin pero sa tuwina ay kindat ang napapala ko sa kanya. Nang umalis sila ni Kuya ay naupo ako sa tabi ni Nanay, nasa gitna namin s'ya ni Ate Sofi. Hinihintay naming lumabas ang doktor para malaman namin kung anong lagay ni Tatay.  "Mabait ang nobyo mo, Shen," komento ni Nanay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD