Nagpaluto si mommy ng maraming ulam, dalhan ko raw sina sir Franco at Tyzon kaya hindi na rin ako makatatanggi pa. Kumatok ako sa pinto ngunit walang nagbukas. Pumasok na ako at ibinaba sa lamesa ang dala ko. Nilibot ko ang ibang parte ng bahay para hanapin sila hanggang sa madatnan ko si Sir Franco na nasa sahig habang namumutla. Dali-dali ko siyang tinulungan humiga sa sofa at mataas ang init niya. Nilalagnat din pala ang mga bampira, akala ko sila na ang pinakamalakas na nilalang sa mundo. Pupunasan ko na sana siya ng bimpong basa. Habang pinupunasan ko siya, bigla niya akong hinawakan sa kamay. “Umalis kana,” utos niya. Hindi ko pwedeng iwan siya ng ganito. Sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita. “Inumin mo,” usal ni Tyzon na kadarating lang habang may dalang tatlong bag n

