Pagkatapak pa lang ng isang paa ko papasok ng school, nakita ko na ang magulo naming room. Tinignan ko ang kabuuan, inalis ang mga nakadikit sa dingding at nagkalat na mga basura. “Isabelle, pinasok tayo dito. Nagkaroon ng orientation kaya lahat ng estudyante lumabas,” paliwanag ni Jeanne, isa sa kaklase ko. Wala akong ideya kung sino ang gumawa nito pero huwag lang siyang magpapahuli, sisiguraduhin kong maaga silang makikita ng hospital. Lumabas na ako agad ng room at pumunta na sa office. May secret room ako doon, ako lang ang pwedeng pumasok kaya hindi rin alam ni Mrs. Fuentez kung anong mayrron sa loob. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito, iyon ay ang pangalagaan lahat. May CCTV sa bawat room, ako lang ang tanging may hawak. Pinasadya kong ipasok siya sa loob ng kisame at la

