“Kumusta na nga pala ang Winston?” paghingi niya ng balita. Ako na ang namamahala at gumagawa ng mga kailangan asikasuhin. Kahit na may hindi kami pagkakaintindihan, hinayaan nila ang bagay na ginagawa ko. Alam nila na nagpalagay akong CCTV sa bawat room, alam nilang ako ang nagsisimula ng gulo at nagagalit sila kapag nasosobrahan na. Matagal na rin simula noong magkausap kami ni moomy ng maayos. Si Daddy naman ay hindi pa nakakauwi. Nasa Vietnam siya ngayon para sa isang deal. Nagkwentuhan lang kami ni mommy ng kung ano-ano at humingi siya ng patawad sa lahat. Hindi pa siya humihingi ay napatawad ko na siya simula noong tinanggap ko si Eliza sa buhay ko. Tama sila, kahit anong gawin mo ay babalik ka parin sa pamilya mo. Ako si Isabelle Jaydon. Ilang araw na akong hindi nakakap

