Uwian na. Ang usapan namin ni Tyzon, magkikita kami sa garden. Maya-maya ay nakita ko na siyang parating at kasama si Sir Franco. Kailangan pa ba ng witness sa pagpapasalamat ko doon sa pagdala niya sa’kin sa clinic? Hindi pa man sila nakakalapit, biglang humangin ulit. Malakas ito katulad ng nangyari sa auditorium kanina. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba. “Isabelle,” tawag sa akin ni Tyzon. “Hu-huh?” walang malay kong tanong. “Isabelle, pwede magtanong?” seryosong singit ni Sir Franco. Ang alam ko, ako ang may sasabihin pero bakit parang sila ang may kailangan sa akin? “Ano iyon?” Tumingin muna sila sa akin matapos ay may inilabas na litrato. Tinignan kong mabuti ang ibinigay nila. Teka.. ako yung nasa litrato? Sabria.. 1989 “Siya si Sabria, isang hybrid,” panimula ni Sir Fra

