Napamulat ako ng mata, nandito ako ngayon sa clinic. Medyo masakit pa ang ulo ko. Lumapit sa akin sila Katherine nang makitang nagising na ako. “My God Isabelle, muntik kanang mamatay!” bulyaw niya sa akin. Anong nangyari? Ang alam ko ay nasalo ng ulo ko yung kahoy na ipapalo sana nila kay Tyzon. Teka! Nasaan sila? Napansin siguro nilang may hinahanap ako kaya nagsalita si Lorein. “Buti at nandoon si Tyzon, siya nagligtas sa’yo,” Si Tyzon? Paanong nangyari iyon kung nakatali siya? Pumunta ako doon para iligtas siya kaya paanong siya ang nagligtas sa akin? “Si Tyzon naabutan namin doon habang buhat ka. Sila Momay, marami sa kanila ang wala ding malay,” kwento naman ni Vien. Tumango na lang ako sa’kanila. Sinabi ko sa nurse ng clinic na ayos na ako. Binigyan nila akong gamut bago tul

