"SIGE na, iwan n'yo na muna kami," utos ni Misuke sa mga kaibigan ni Yuki nang makarating sila sa hindi mataong iskinita. Dahan-dahang pinaupo nina Yamato at Kuga ang kanyang kapatid sa sementong upuan doon. "Sige, Ate! Mauna na kami," paalam ni Kuga sa kanya. "Yuki, kita na lang tayo bukas sa school," paalam naman ni Yamato kay Yuki. Tumango lang ang kapatid niya. "Maraming salamat. Diretso nang uwi, ha?" wika niya sa dalawa bago tuluyang umalis. "Mauuna na rin ako," pagkuwa'y paalam ni Kenji sa kanya. "Sige. Mag-iingat ka," sagot niya rito. Tumango lang ito bago tumalikod sa kanya. Hindi pa man ito masyadong nakakalayo ay tinawag na niya ito at nilapitan. "Nakalimutan ko lang magpasalamat sa pagdamay mo sa akin kanina," mahinang sambit niya na parang sumisikip na naman ang dibdib na

