HINDI pa man siya nakakalayo'y huminto na siya at humagulgol nang iyak. Ang iyong ina ang pumatay sa kanyang ama. Nasapo niya ang kanyang mukha. Maya-maya'y sinabunutan niya ang kanyang sarili sa sobrang galit. Hindi lahat ng katotohanan ay maganda. Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabing iyon ni Fukushi. Tama nga ito. Hindi lahat ng katotohanan ay maganda, at kung hindi lang mahalaga sa kanya si Terajiko, hindi na niya gugustuhin pang ungkatin ang kanyang nakaraan. Marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha at nagpatuloy sa paglalakad. Sa sobrang inis ay nasipa niya ang mga basurang humarang sa kanyang dinadaanan. Tumilapon iyon sa di-kalayuang mga lalaking nasa unahan niya. Napahinto ang mga ito at tumitig nang masama sa kanya. "Hoy, Miss! May problema ka ba sa amin?" bulyaw ng

