"DADDY!" masayang sigaw ni Kazumi nang makita ang amang papasok sa silid kung nasaan si Fukushi. Agad siyang yumakap dito. Gayundin ang ginawa nito sa kanya at sa kanyang ina. Kasaluyang nagdi-diffuse ng bomba si Sparrow gamit ang laptop ng TPD. Naunang dumating ang grupo ni Kirishima at alam na agad nito ang gagawin. Sparrow freeze their panicky images on the screen upang isipin ni Sumiyoshi na hindi pa rin sila kumikilos. Tinawagan na rin niya ito upang i-distract ang atensyon nito at mabaling sa mga papeles. "Ayos lang ba kayo?" tanong ni Shinji sa kanila. "Oo, ayos lang kami," sagot ni Mizuki. "Capture complete!" sigaw nito. Napatingin silang lahat dito. Huminto na ang bomba sa katawan nito at ng kanyang ina. Halos sabay-sabay silang nakahinga nang maluwag. Mabilis na inalis nila

