"KENJI! Harushiko, ilabas mo si Kenji!" nagsusumigaw na wika ni Kazumi pagdating niya sa isang abandonadong factory na itinext ni Harushiko sa kanya. "Masyado ka namang nagmamadali." Mula sa itaas ay dahan-dahang bumaba si Harushiko gamit ang iron stairs. Bawat hakbang nitong nagdudulot ng nakakairitang ingay na umaalingawngaw sa buong factory. "Tapusin na natin 'to! Hindi ka pa ba napapagod?" "Sa totoo lang, Kazumi, matagal na akong pagod. Pagod na pagod na akong mamalimos ng atensyon, ng pagmamahal...Pagod na pagod na akong maging kawawa!" "Ikaw ang nagdulot niyan sa sarili mo!" Nasa ibaba na ito at ilang talampakan na lang mula sa kinatatayuan niya. "Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ang angkan n'yo, ang iyong ina at ikaw. Itinuring ko kayong pamilya kahit ako hindi n'yo ak

