18 years ago. "MASTER!" dali-daling sinalubong ni Harushiko ang ama-amahang si Master Tsukasa pagdating nito. Hindi nito sinabi kung saan ito pupunta nang magpaalam ito sa kanya at hindi rin siya nito isinama—bagay na labis niyang ipinagtaka. Subalit may kutob siyang pupuntahan nito si Mizuki, at iyon ang labis niyang ipinag-alala kanina pa. Ilang buwan na niyang hindi nakikita si Mizuki at wala na rin siyang balita tungkol dito. Ang huling alam niya lang ay pinuno ito ng grupong Black Dragon na itinatag nito. Mahigpit na siyang pinagbawalang lumabas ng Kugayama at hindi na rin siya inutusan ni Tsukasa na hanapin ang anak nito. Wala rin siyang narinig na kahit na ano mula sa mga kababayan niya. Marahil ay ipinagbawal din ng pinuno ang pag-usapan ang tungkol sa anak nito o banggitin ang p

