"KUYA, come on!" naiinip nang wika ni Kazumi na halos hindi na malaman ang gagawin nang biglang mawalan ng malay si Taransuke. Pinagtatapik niya sa mukha ang binata at panaka-naka'y sinusuri ang pulso nito. "Tasuke, lumaban ka. Huwag mo akong iwan, please," makaawa niya kahit hindi siguradong naririnig ba siya nito. Sumilip siya sa likuran nila, wala siyang makitang tao. Binitiwan muna niya si Tasuke at nag-concentrate sa pakikiramdam sa kanyang paligid. Naririnig niya ang mga yabag nitong pababa ng hagdanan mula sa ikalawang palapag ng building na kinaroroonan nila. Maingat siyang humakbang papalapit dito. Siniguro niyang ligtas si Tasuke nang iwan niya ito. Ilang sandali pa'y nasa likuran na siya ng lalaki. Agad niya itong sinipa sa tagiliran. Nabigla ito kaya nabitiwan ang hawak na ba

