One week later.. "KUMUSTA na si Ate Misuke? May balita ka na ba sa kanya?" Napatingin si Yuki kay Yamato bago tumira. "Wala pa," payak na sagot niya. Kasalukuyan silang nasa bilyarang tambayan nila. Pasukan na naman at tulad ng dati, tinatamad na naman silang pumasok. "Bakit hindi natin puntahan sa hideout nila—sa Terazumi building?" suhestiyon ni Satoshi. "Matagal na silang wala roon. May bago nang may-ari ang lupa at pinatayuan na ito ng bagong building," sagot niya. "Ganoon ba? Eh iyong si Kurei Guanzo na nakalaban mo noong nakaraang linggo? Kilala niya si Ate, hindi ba?" "Tama na," awat niya kay Takeru nang sunod-sunod na ang tanong nito. "Huwag na natin siyang pag-usapan." Ibinalik niya ang billiard stick at naunang lumabas. Dali-dali namang sumunod sa kanya ang kanyang mga kai

