KASALUKUYANG nagsesermon si Masu sa mga combat trainees nang dumating si Kazumi sa mansyon. "Magbigay-galang kayo!" maawtoridad na utos nito nang lumapit siya. Lahat ay nagsiyuko sa kanyang harapan kasama ito. Makalipas ang ilang segundo'y tumingala na rin ang mga ito at umayos nang tayo. Isa-isa niyang tinitigan ang mga combat trainees. Naglakad siya at huminto sa harapan ng isa sa kanila. "Ano'ng pangalan mo?" "Chiharu Sekaigo-desu! Yoroshiku onegaishimasu!" listong sagot nito. Muli siyang lumakad at huminto na naman sa tapat ng isang trainee. "Alam n'yo ba kung bakit kayo sumasalang ngayon sa combat training?" "Para maging isang alta sociedad at paglingkuran ang Miyagami Clan!" sagot naman nito. "Tama at mali," wika niya. "Tama na kapag nakapasa kayo rito ay magiging alta socieda

