3 Months Later... "GOOD morning, Ma'am!" "Good morning!" ganting-bati ni Kazumi sa gwardyang nagbabantay sa entrance ng elevator sa ikalimang palapag ng Miyagami Royalty building. Dumiretso siya sa board room kung saan naghihintay ang mga board members at shareholders ng kumpanya. After few months of investigation, magbubukas na ulit ang kumpanya sa ilalim ng kanyang pangalan at pamumuno. Tapos na ang imbestigasyon tungkol sa mga illegal activities ng kanilang angkan. Walang napatunayang ilegal na gawain sa kumpanya, maliban sa pustahang nagaganap during Combat Tournament. Kasabay ng pagkalinis ng kanilang pangalan ay ang pagkalinis din ng kay Harushiko na siyang pinuno nang mga panahong iyon. Pero saka na niya poproblemahin ang kanyang tiyuhin. Lahat ay nagsipagtayo at yumuko nan

