"ANO'NG ibig mong sabihing hindi na papasok si Odagiri?" Gulat na napalingon sina Yamato at mga kaibigan nang biglang magsalita si Yamiko mula sa kanilang likuran. "Iyon ang napagkasunduan ng chairman at ng daddy niya," malamig na sagot niya rito. It's been three days simula nang nangyari ang insidente at hindi na nga pumasok si Yuki simula no'n. "Ano? Bakit?" "Bakit hindi ka pumunta sa faculty office at itanong mo sa kanilan? Huwag kami ang tatanungin mo," inis na sabi pa niya umalis sa klase nito. Nawalan siya ng gana kaya lumabas siya ng eskwelahan para magpalipas-oras. Nakasunod naman sa kanya ang tatlong kaibigang sina Kuga, Takeru at Satoshi. "Punta tayo sa bilyaran baka nandoon si Yuki. Hindi naman siguro siya ikinulong ng daddy niya sa bahay nila, hindi ba?" suhestiyon ni Take

