HARUSHIKO was silently sitting in his deck inside his cell nang dumating ang isang hindi inaasahang bisita. Nagulat man, hindi iyon ipinahalata. Binalak niyang inisin ito upang kahit papaano'y maaliw siya. "Kumusta ka, Shinji? Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin, mahal kong kapatid!" Dumilim ang mukha nito. "Hindi ako nagpunta rito para makipagkumustahan sa iyo." Tumawa siya nang mahina. "Kung ganoon, bakit ka nandito? Balita ko, mahina raw ang kaso n'yo laban sa akin. I might get out anytime. Iyon ba ang ipinunta mo rito?" His lawyer told him na walang matibay na ebidensyang maihaharap sa korte ang prosecution laban sa kanya tungkol sa kasong multiple homicide at k********g. Una, dahil teritoryo niya iyon at annual celebration ng Miyagami Clan ang Combat Tournament. Ang mga tao

