"PATAY na nang matagpuan ng kanyang mga kapitbahay si Detective Hamazaki kaninang umaga bandang alas otso sa apartment nito malapit sa opisina nito sa Kugayama. Binaril sa ulo si Hamazaki na siya nitong agad ikinamatay. Hinihinalang ang Dragon Eagle na matagal na nitong iniimbestigahan ang pumatay sa biktima, subalit natagpuan sa opisina nito ang mga dokumentong nagpapatunay na matagal nang patay ang lahat ng miyembro ng Dragon Eagle. Kung gayon, sino ang tunay na pumatay kay Detective Hamazaki? Ano kaya ang motibo ng suspek?" Matalim ang tingin ni Tasuke habang nanunuod ng balita sa telebisyon. Nang makuntento siya'y saka lang niya iyon pinatay. "Malas mo lang," wika niya habang hinihimas ang sugat sa kanyang braso dulot ng balang dumaplis dito ng nagdaang gabi. Nang umalis si Kazumi

