"WHAT were you thinking?" galit na salubong kay Mizuki ng asawang si Shinji nang mabalitaan nito ang pagtatrabaho niya sa kumpanya ng mga Karahite. "Hindi ba kayo titigil sa pagbibigay ng sakit ng ulo sa akin?" The way he said that it was as if ito lang ang nag-iisang gumagawa ng tama sa bahay na iyon. Nainis siya, and at the same time, naaawa na rin sa asawa. Alam niya kung gaano kahirap dito ang manatiling tapat sa sinumpaan nitong tungkulin habang alam nito ang totoong nangyayari yet couldn't say and do anything para ipahamak ang pamilya nila. He was placed in a very difficult situation. Oras na matuklasan ng superiors nito ang tungkol sa lihim ng kanilang pamilya, he would lose his job, reputation, at higit sa lahat, ang pinakaiingatang pangalan ng pamilya nito--all because he loved a

