"WALA ka talagang puso, ano? Pati ba naman si Kenji idinamay mo?" Nagpupuyos ang damdamin ni Hikari nang tawagan si Sumiyoshi. Sino ba namang ibang gagawa niyon kundi ito lang? "Are you accusing me again?" patay-malisyang tanong nito. "Pwede ba? Wala tayo sa harap ng board kaya huwag na tayong maglokohan. May iba pa bang pwedeng gumawa no'n kay Kazumi?" "Hikari!" Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Kazumi na biglang pumasok sa kanyang silid. Kauuwi lang nila sa mansyon galing ospital. Agad niyang pinatay ang kanyang linya at humarap dito. "Kazumi! May kailangan ka?" nag-aalangang tanong niya. "Kumusta ang lakad mo?" Humarap siya nang maayos dito. Huminga siya nang malalim bago sinabi ang hindi magandang balita. "Sumiyoshi took over the company. Ayon sa will ni Daddy, I have to

