"SO? Ano'ng kwento n'yo ni Kazumi?" basag ni Hikari sa katahimikang namagitan sa kanila ni Kenji habang hinihintay ang kanilang order. May pagka-Tasuke din pala ito--hindi matabil at sobrang lamig makitungo. "We're just friends," payak na sagot nito na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Well, hindi iyon ang alam ko. Paano kayo nagkakilala?" usisa niya. Tumingin ito sa kanya, inaarok ang motibo niya. She just smiled. "Nagkabunggo kami sa daan malapit sa Central Park habang hinahabol siya ng mga sanggalo." "So ikaw ang nagligtas sa kanya? Wow! Knight-in-shining-armor ka pala niya!" namamanghang sabi niya. Nagkibit-balikat lang ito. "Huwag mo sanang mamasamain ang mga tanong ko. Wala naman akong masamang intensyon. Curious lang ako." Bago pa ito makasagot, dumating na ang order

