"MA'AM, hindi po kayo pwedeng pumasok." Tumaas ang kilay ni Hikari sa sinabing iyon ng gwardya. "Excuse me?" "May importanteng meeting po ang mga board members sa loob at mahigpit pong ipinagbilin ng lolo n'yo na bawal papasukin ang kahit sinong hindi kasali sa meeting na iyon," takot na paliwanag nito. Inalis niya ang kanyang shades. "Nakikilala mo ba kung sino ako?" "Opo, Miss Hikari! Pero pasensya na po talaga, Ma'am, bawal po talaga. Pagagalitan po ako ng lolo n'yo." "Don't worry, ako'ng bahala sa iyo," sagot niya sabay pasok. "Ma'am, sandali!" Lahat ay natigilan sa kanyang pagpasok. Napako sa kanya ang ilang pares ng mga mata na naroon. "Hikari!" Hindi maipinta ang mukha ni Sumiyoshi nang makita siya. "Wow! Nagbakasyon lang ako sandali, pinalitan mo na agad ang daddy ko sa po

