"PINAPUNTA ka raw ng lolo mo sa study room niya sabi ng maid ninyo," wika ni Haruka kay Hikari nang pumasok siya sa kanyang silid. Napatingin siya rito at napangiti nang makitang bumagay dito ang pinili niyang damit. "Sige, bababa na ako. Magpahinga ka na," aniya bago muling lumabas. Pagkuwa'y muli siyang humarap dito. "Siyanga pala, huwag kang magpapapasok dito ng kahit sino maliban sa akin at kapag hindi ko sinasabi. At huwag mo ring tangkaing tumakas. Nagkakaintindihan ba tayo?" babala niya rito. "Oo. Pangako, susundin ko lahat ng gusto mo," sagot nito. Tinapik niya ang balikat nito. "Good. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat," wika niya bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. Nakaupo ang matanda sa swivel chair nito nang pumasok siya sa opisina nito. "Pinatawag n'y

