"ANO, Hikari? Sasabihin mo na ba sa akin kung nasaan si Haruka?" nanlilisik ang mga mata ni Sumiyoshi habang tinatanong siya. Tatlong araw nang nakagapos si Hikari sa isang silya. Tatlong araw na siyang walang kain. At sa tatlong araw na iyon, puro pambubugbog at pagpapahirap ang kanyang tinanggap mula sa mga tauhan ni Yousuke Sumiyoshi, ang peke niyang lolo na kahit minsan ay hindi niya itinuring na iba--minahal at itinuring niyang pamilya. "Sinabi ko na sa iyong hindi ko alam. At kahit pa alam ko, hinding-hindi ko rin sasabihin sa iyo, hayop ka!" Sinampal siya nito nang malakas. For the first time, noon lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Pinukol niya ito nang napakatalim na titig. "Alam mo bang pwede na kitang patayin ngayon?" Tumawa siya nang mahina. "Alam nating dalawa na hindi

