"I repeat, positive. May nakita kaming katwan sa loob ng building. We need ambulance ASAP!" Pigil ang hininga nila habang pinakikinggan ang report ng tauhan ni Kirishima. "Ilan sila? Gaano kalubha?" tanong ng ng isang pulis. "Isa, lalaki. Shot in both legs, multiple injuries, badly-shaped. Hinahanap pa namin ang babaeng sumunod sa kanya," sagot nito. Nagkatinginan silang lahat. "Nawawala si Kazumi," wika ni Tasuke. Alam niyang iyon din ang gustong sabihin ng kanyang mga kasamahan. "Kung siya ang bumaril kay Tera, malamang hindi pa siya nakakalayo. Injured siya at baka mas malubha pa ang kondisyon niya kesa rito," sabad ni Masu. "Kailangan natin siyang mahanap agad bago pa mahuli ang lahat," wika naman ni Hikari. Sumang-ayon silang tatlo. "Sandali!" pigil ni Yuki. "Sasama ako," ani

