ISANG linggo. Isang linggo ang madaling lumipas. Tila naging isang masamang bangungot lamang na lumipas ang nangyari sa kanila sa Kugayama. Subalit ang mga sugat sa katawan at puso nila ay naroon pa rin. Gising na si Harushiko at nagpapagaling na lamang mula sa pinsalang tinamo ng katawan nito. After another week, dadalhin na ito sa presinto upang doon manatili habang inihahain pa ang kasong isasampa laban dito—kung ano at kung sino ang magsasampa, wala pang pinal na desisyon. Nailibing na rin ang bangkay ng mga kaibigang nasawi at narecover sa loob ng mansyon. Magkakatabi ang mga ito sa libingan ni Kurei. Isinabay na rin sa kanila si Takao. Isang simpleng seremonyas lamang ang idinaos na dinaluhan nilang magkakaibigan—Hikari, Nagara, Masu at Taransuke—kasama ang pamilya ni Kazumi at ila

