Seven years ago... "AMA!" mangiyak-ngiyak na wika ni Tera nang sa wakas ay muling makita ang ama. Subalit hindi ito natutuwang makita siya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Ilang taon ko kayong hinintay. Ang sabi nila patay na kayo pero hindi ako naniwala. Alam kong buhay pa kayo..." "Tama na!" "Ama!" Humarap ito sa kanya. "Hindi ka dapat nagpunta pa rito." "Pero, Ama, gusto ko kayong makita. Gusto ko kayong makasama. Umalis ako sa Kugayama. Tinalikuran ko ang angkan natin para lang hanapin kayo." "Hindi mo dapat ginawa iyon." "Hindi ba kayo natutuwang nandito na ako?" "High Priest, mawalang-galang na! Nandito na po sina Jin at Kaori." Napalingon siya sa tauhang biglang pumasok. Kasunod nito ay ang dalawang bata--isang babae at isang lalaki--na hindi nalalayo sa edad niya. "Ama, sin

