"HINDI mo ba siya susundan?" tanong ni Fukushi na siyang nagpabalik kay Mizuki sa kanyang sarili. Inihatid niya nang tingin ang anak hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. "Hindi na. Kaya na niya ang sarili niya." "Kung ganoon, hindi na pala tayo dapat nagpunta pa rito," anito habang busy sa harapan ng laptop nito. Napatingin siya rito. "May mas mahalaga akong pakay sa pagpunta ko rito." "Ano iyon?" "Si Risa. Kailangan kong pigilan ang plano ni Risa!" Napahinto ito at lumingon sa kanya. "Ano'ng sinasabi mo?" "Si Risa ang may gawa ng bombang naririto ngayon. Plano niyang maghiganti dahil sa pagkamatay ko. Hindi iisang bomba lang ang nandito sa loob ng Miyagami Clan. Kailangan nating makita kung nasaan ang iba." Nanlaki ang mga mata nito. "Huwag mong sabihing..." "Ang microchip

