"KAZUMI...Kazumi..." Nagising si Kazumi sa mahinang yugyog na iyon at sa pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan niya. Nang idilat niya dahan-dahan ang kanyang mga mata, laking gulat niya nang makilala si Fukushi. "Kuya! Ano'ng ginagawa mo rito?" "Pinapunta ko siya rito," isang pamilyar na boses ng babae ang biglang sumagot. Pagtingala niya'y agad niyang nakilala ang kanyang ina. She was wearing her black hood and her face had no trace of any scar--at hindi iyon ang mukha ng ina ni Yuki na kanyang kinagisnan. "Mommy?" "Nagpagawa ako ng silicon mask ng mukha ko noon nang bumalik ang alaala ko. Your Dad didn't know about this," paliwanag nito nang makuha ang ibig sabihin ng nagtatanong niyang titig. Pagkuwa'y sumandal ito sa pintuan. "So, hanggang kailan mo balak matulog dito't kaawa

