Nagmamadaling ipinasok ni Timothy ang sasakyan sa apartment 8 a.m sosorpresahin niya ang nobya, batid niyang holiday sa Bulakan kaya't inaasahan niyang aabutan doon ang dalaga. Pagpasok niya’y nagulat siya napakalinis ng kanyang bahay nangiti siya batid niyang si Melissa ang gumawa noon. Ang alam nito’y Sabado pa siya uuwi pero nagawan niya ng paraan na makabalik agad ng Biyernes. Araw-gabi niyang iniisip ang nobya, kung kumain na ba ito, anong oras na kaya nakakauwi kaya’y pinilit niyang tapusin na ang trabaho. Kahit madaling-araw pa bumiyahe siya mula Zambales. Agad siyang naligo at nagwisik ng paboritong pabango ng nobya. Pagkatok niya sa bahay nina Melissa ay bahagya pang nagulat ang lola nito. Sinalubong siya nito sa hagdan. Nagmano agad ang binata “Timothy…!!” Diyos ko kang bata k

