“Timothy?!” bakas sa mukha ng nurse ang pagkabigla ng pumasok ang mga pulis, inalayayan ng mga ito si Timothy. Hawak nito ang isang braso na may dugo. Agad nilapatan ito ng lunas hindi naman ganoon kalalilim ang sugat. Nakangiti ang nurse habang ginagamot si Timothy pakiwari niya’y destiny nila na magkita sa ganoong pagkakataon. “Ang tapang mo talaga Timothy…” bakas na bakas ang paghanga nito sa binata. Kasalukuyang nasa labas ang isang kasamahan ni Timothy. Tapos na siyang gamutin kaya’t tatayo na siya, subalit mabilis siyang inalalayan ng nurse, inilagay nito ang isang braso ng binata sa balikat niya. Eksenang naabutan ni Melissa “Timothy…!” bakas ang takot sa mukha nito, nagulat din si Timothy. Agad tumakbo si Melissa inalis agad ni Timothy ang kamay sa balikat ng nurse kagyat na niyak

