Masayang-masayang bumalik sa presinto si Timothy. Araw-araw ang gaan ng pakiramdam niya ngayon palang buo na ang desisyon niyang pakakasalan ang nobya sa lalong madaling panahon. Habang lumalaon nakikilala niya ito, nadidiskubre niya ang mga kakayahan ng minamahal mas lalo niya pinapangarap na iharap sa altar. Pagbalik niya’y hinarap niya muna ang mga report na gagawin. Matuling lumipas ang oras at natapos na ang gawain ni Timothy, agad na siyang naghanda para umuwi. Paglabas niya’y nilampasan niya ang babaeng naghihintay sa may gate. “Timothy!! Saglit lang…!” napalingon siya ng may tumawag sa kanya si Beatrice. “Uuwi ka na ba?” tanong nito sa kanya. “ Ah!o-oo!”sagot naman niya. “Kumain muna tayo sa labas, treat ko…” sabay lapit nito sa kanya. Nag-alinlangan siya, nahahalata niya sa ki

