“Lo-lola kasi po” nanginginig na sabi ni Melissa sa matanda, kahit kelan hindi siya naging sakit ng ulo ng kapamilya nang mga oras na ito pakiwari niya’y nagkasala siya hindi niya alam paano salubungin ang nagtatanong na mga mata nito. Siyang labas din ng kanyang ina. “May sasabihin ata sa atin ang dalawang ito… Alice!” pabatid ng biyenan sa kanyang manugang napatingin naman ito sa kanila. Hinawakan ni Timothy ang kamay ni Melissa matatag na nagsalita “ma, lola pasensya na po alam po ni Melissa umpisa pa lang gusto ko na pong sabihin sa inyo…..kaya lang alanganin pa po si Melissa kami na po!” nahihiyang tugon niya sa matatanda. “Mahal na mahal ko po si Melissa!” sabay tingin niya sa nobya, nangilid ang mata ng dalaga ramdam na ramdam niya ang sinserong pabatid nito sa ina at lola. Napa

