“Salamat nang marami Timothy!” naluluhang niyakap ng mama ni Melissa ang binata, malaki ang utang na loob nila dito sa ginawang pagliligtas nito sa anak. “Wala po iyon ma’am” sagot niya dito. Humagulgol ang matanda nang makaakyat na sa bahay ang apo, pakiwari niya kanina’y nasa bitayan siya ng malaman ang nangyari. “Melissa! Apo ko….salamat at ligtas ka!” niyakap niya ito nang mahigpit. Sa kabila ng nangyari nagawa pa ring ngumiti ng dalaga, ang importante buhay siya! Pumasok muna sa kwarto ang dalaga, inihanda ang pangtulog pakiwari niya’y pagod na pagod siya. Nagpunas siya iningatang wag mabasa ang sugat. Pagkaraan nilang maghapunan ay bumalik muli si Timothy. Gusto niyang makita ang kalagayan ng dalaga. Nasa salas sila at nanonood ng tv, ang dalawang matanda ay maagang nagpahinga sa

