Sa isang bakanteng bodega, nagkakaroon ng pagpupulong ang limang lalake, hawak na nila ang blue print ng isang bangko. Itinuro ang posibleng mga lagusan na pwede nilang daanan habang sinusuri naman ng iba ang mga baril na gagamitin. Sabay-sabay silang lumabas sa lugar ala-una imedya ng makarating sila sa pupuntahan. Nasa bangko noon si Melissa, inaayos niya ang pension ng kanyang lola. Kanina pa siya doon sa dami ng kliyente ng bangko, tatlo lang kasi ang bangko sa bayan nila kaya punuan madalas sa dami ng mga transaksyon. Nakaramdam siya ng “call of nature” nagpaalam siya sa guard na gagamit lang ng cr. Nasa loob siya nang makarinig ng komosyon sa labas, may narinig siyang tili ng mga babae, marahan niyang binuksan ang pinto nakita niya ang apat na lalaking armado at nakatutok sa mga nas

