Hindi nagpunta si Timothy kina Melissa kinabukasan, hinintay siya ng dalaga umaasa itong nakatulong ang hindi nila pag-uusap para maibsan ang tampo nito sa kanya. Hindi siya makapagdesisyon kagabi, kung pupunta ba siya ngayon doon, di pa kasi niya sigurado. Nag-aalala siya sa sasabihin ng nobyo, ayaw niyang magtalo sila. Panay bugtong-hininga siya habang nagluluto bagay na hindi nalampas sa pakiramdam ng inang kanina pa siya pinagmamasdan. “May problema ba, anak?” tanong nito sa kanya. Tumingin siya sa ina, tinging humihingi ng pang-unawa pakiwari niya’y kailangan niya ang opinyon ng ina hindi na siya nakatiis at nagsabi na siya “Ma….namatay na po kasi ang daddy ni Max”. Nagulat ang ina, nagbago ang ekspresyon ng mukha. “Gusto mong magpunta kaya lang nag-aalala ka kay Timothy na baka hin

