Inis na pumanhik sa itaas nila si Melissa, yung tawagin siyang misis ang nagpainit ng sitwasyon sa kanya, “ang bata ko pa okey lang sana kung si Max ang kasama ko at least talagang bf ko pero ito…! Buti na lang wala ako kakilalang nakita doon kung meron ano na lang ang sasabihin”. Nasabi ni Melissa sa sarili. In fairness naman kay Timothy gwapo rin ito at tama rin siya nung sinabi niyang hindi niya kontrolado kung ano ang nasa sa isip ng iba, ang siste lang hindi niya itinama, sumakay siya sa sinabi ng saleslady para sa 20% discount. Nagkulong siya sa kwarto, nagbasa-basa ng mga librong nandoroon. Bago magdapit-hapon ay bumaba na siya sa kusina para magluto, nagpiprito siya ng isda ng marinig niya ang boses ng ina parang may kausap, sumilip siya sa pinto. Si Timothy pala kagyat siyang bumalik sa ginagawa, inis pa rin siya sa nangyari. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito dahil nakatutok siya sa ginagawa. “Sorry na kanina!” narinig niyang sabi nito. “Ay! Kabayo!” nadikit ang daliri sa kawali dahil sa pagkagulat. Agad sinaklolohan siya ng binata hinawakan ang kamay niya at itinapat sa gripo, pinunasan ng panyo ang nabasang daliri at mabilis na lumabas, pagbalik ay may dala ng ointment.
“Akina yang daliri mo!” hinila nito ang bahaging nasaktan at nilagyan ng gamot. “Sorry talaga kanina!”
Habang nilalagyan ito ng gamot. “Ang dami mo ng kasalanan, nadalawahan mo pa kung di mo ako ginulat hindi ako mapapaso” litanya ng dalaga.
Tiningnan naman siya muli nito “hindi ko naman alam na magugulatin ka pala….” Sabi naman ng binata.
“Okey na.…” sabi naman niya.
Tiningnan siya ng binata “talaga?! So peace na tayo” paniniyak nito. “Oo nga…ang kulit! Bakit andito ka na naman?” tanong niya dito. “Eh..kasi nga magso-sorry ako …..bago pumunta sa duty” apologetic ang mukha nito. Natawa naman si Melissa “sige na tumuloy ka na…salamat dito” sabay turo ng daliri. Nakangiti na itong nagpaalam. Pagdating sa presinto ay agad siyang pinatawag ng hepe, may meeting sila. Batid niyang may operation sila bukas hinihintay lang ang search warrant na ipadadala sa kanila. Nung gabing iyon ay dumating na ang miyembro ng SWAT team, bumaba na ang search warrant may nakapag-tip sa kanila na may magaganap na bentahan doon, tumimbre na ang asset nila. Positive na ginagawang drug-den ang isang bahay na pag-aari ni Carlito De Asis nasa Amerika ang may-ari ng bahay, ang caretaker ang naiiwan doon na siya rin ang itinuturong pusher.
Maghahating-gabi nang makapasok na ang asset sa bahay ng suspect, sumenyas na ito sa kanila nang makalapit sa bakuran ay nagpaputok agad ng baril ang suspect “bang!bang!bang!” nagising ang mga kapitbahay, nagbukasan agad ng mga ilaw. Hindi pala nag-iisa ang suspect doon may kasama pa siyang tatlong kalalahikan armado rin ang mga ito. Sa likod pumuwesto ang grupo nina Timothy, may nakita siyang lalaking tumalon mula sa bakod, sinundan nila ito “taas ang kamay!!”. Tinutukan na nila ito subalit hindi natinag ang suspect itinutok ang baril sa kanila kaya inunahan na agad ni Timothy, sapul sa braso ang suspect. Nagtaas na ito ng kamay “sorry sir! Hindi na po ako lalaban!” pakiusap ng suspect.
“Luhod! Kamay sa ulo!!” sigaw ni Timothy. Tumalima naman ang suspect, dinala nila ito sa ospital at nilapatan ng lunas. Samantala nakita sa bahay ang droga na nagkakahalaga ng tatlong milyong. Agad itong ipinirisinta sa PDEA.
Napagod si Timothy, hinabol pa kasi nila ang suspect kaya pagdating sa apartment ay nagpalit lang ng damit at natulog. Pasado ala-una na ng magising siya, nakaramdam lang siya ng pangangalam ng tiyan kaya siya bumangon. Paglabas niya ng gate sa apartment at nakita niya si Ivan.
“Kuya! Mukhang kagigising mo lang ah!” bati nitong nakangiti sa pulis. Ngumiti naman si Timothy
“Oo nga eh, nagugutom na ako” daing niya. “Saan ba may mabibiling lutong ulam dito?” tanong niya sa kausap. “ Wag ka ng bumili kuya, Linggo ngayon maraming ulam kina lola!” pagmamalaki nito.
“Nakakahiya…wag na!” tanggi niya pero hinila na siya ni Ivan. “Tara na kuya!”.
Nasa banyo si Melissa kasalukuyang naliligo narinig niya ang kalampagan ng kaldero, nag-alala siyang baka pusa na naman at maubusan sila ng ulam. Dali-dali siyang nagtapis kahit may kaunting shampoo pa ang buhok.
“Ano ba iyang pusa na yan pasaway talaga!?” nagpapalatak na sabi niya habang humahakbang palabas ng cr para mas lalong magulat sa mabubungaran. Nagkagulatan sila “bakit andito ka?!” tanong niya dito. Pero mas natulala ang pulis ilang segundo ring hindi ito nakapagsalita.
Dumating na si Ivan galing sa itaas “O ate, ano ba yang itsura mo?!” wari’y nabigla din ito. Noon lang parang natauhan ang pulis at agad tumalikod saka lang naalala ni Melissa ang itsura niya. Nagmamadali siyang bumalik sa cr. Binilisan ang kilos. Paglabas niya ay may pugong siya sa ulo. Naabutan niyang kumakain ang dalawa. “Kain tayo!” aya ni Timothy sa kanya. Hindi makatingin si Timothy sa kanya pakiwari niya’y nagkasala siya sa dalaga. “Sige lang!” sagot naman niya ngumiti siya sa binata, dali-dali siyang pumanhik sa itaas. Samantala sa kusina nagka-kwentuhan ang dalawang binata.
“Grabe daw yung putukan kagabi kuya…parang action film daw!! Nahuli na rin yung pusher….buti nga sa kanya salot sa lipunan yung taong yon. Alam mo ba kuya yung mga galamay nun, inalok pa kami!” kwento ni Ivan.
“Talaga ba? Buti na lang talaga nahuli no, marami na pala siyang naperwisyo” sagot naman nito. “Papak!pak!pak! ganun daw ang tunog kuya!” sige sa kwento si Ivan. “Bakit ka nga pala late nang gumising?” takang tanong nito sa kanya, biglang nanlaki ang mata nito “ibig sabihin andon ka kuya?!”. Tumango ang pulis “Wow! Ang galing talaga ng kuya ko!!” inakbayan pa nito ang pulis tuwang-tuwa.
“Sinong magaling Ivan?” tanong ni Alice sa pamangkin. “Gandang hapon po ma’am” napatayo si Timothy.
“Maupo ka na” sagot naman nito. “Ano ba yang pinag-uusapan ninyo?” tanong ng ginang sa kanila. “Eh! Kasi po tita di ba kagabi may buy-bust operation sa dulong bukid…kasama pala si kuya doon”.
“Siya nga ba?ikaw ba yung pulis na pinag-uusapan sa palengke kanina, muntik na raw makatakas yung pusher pero nabaril daw sa balikat?” tanong nito sa binata. “Opo ma’am” kiming sagot nito.
“Buti hindi mo tinuluyan, kung naiba-iba yung baka binaril na lang…nanlaban nga raw eh, buti hindi ka tinamaan?” tanong nito sa binata.
“Pag-angat po niya ng baril, inunahan ko na po agad” paliwanag niya.
“Ang galing mo talaga!” siyang-siya si Ivan sa kwento ng pulis. Napapaisip siyang kumuha ng Criminology sa pasukan. Noon pa man pangarap na niya ito. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Timothy.
“Thank you ma’am pasabi na lang po kay lola, mamayang gabi po magdadala na lang po ako ng litsong manok nabawasan ko pa po pagkain nyo”. “Wala yun ano ka bang bata ka?” nakangiti nitong sagot sa binata.
Nang tumalikod ito ay napaisip na ang ginang “magalang talaga siya at may prinsipyo sa buhay, nakakabilib naman ang ginawa niya”. Biglang umakbay si Ivan sa tiyahin at nagsalita
“Ang galing po niya tita ano? Sana magustuhan siya ni ate” napalingon naman ang ginang sa pamangkin.
“Hindi naman siya nanliligaw sa ate mo, kaya wag ka munang umasa” sagot niya dito. “Di tayo sure diyan tita.” Tatawa-tawa nitong sagot sabay panhik sa itaas.
Nang mga oras na yaon ay nakahiga naman sa kama si Timothy, inaalala niya ang magandang tanawin kanina. Talagang nagulat siya paglabas ng dalaga,pakiwari niya’y butil-butil na pawis ang lumabas sa kanya. Kagyat siyang tumalikod pero nakaramdam siya ng alinsangan sa paligid na parang silang dalawa lang ni Melissa ang nandoroon. Umakyat kasi si Ivan sa itaas, nagpaalam sa lola na kakain sila ni Timothy. Malakas kasi ang pag-angat at baba ng takip ng kaldero kaya akala siguro ni Melissa ay pusa. Hindi niya mawari paano pa kikilos pag nakaharap niya muli ito.
Sa kuwarto ni Melissa, naalala rin niya ang insidente kanina, akala niya talaga ay pusa, nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi ng maalala iyon. Buti na lang tumalikod ang binata nangiti siya sa alaalang yun. “Gentleman pala talaga” nasabi niya sa sarili.
Nang gabing iyon ay nabungaran muli niya ang binata sa kusina. “Good evening!” bati sa kanya nito, inaayos naman ni Ivan ang mesa. “Good evening din! Wala ka bang duty?” nagtatakang tanong nito sa binata. Umiling ito. “Pagod kasi si kuya napasabak ng laban kagabi” sagot ni Ivan.
“Ha?! Kasali ka ba doon?” gulat niya. “Oo naman at alam mo ba magkaka-award yan kasi siya ang nakahuli sa prime suspect” pagyayabang ni Ivan. “Wow! Congrats!” bati niya dito.
“Dahil diyan may pa-litson si kuya!” ipinakita ni Ivan ang biniling litsong manok at liempo nito. Tinawag na ni Ivan ang lola at tiyahin naiwan silang dalawa ni Timothy. Hindi mawari ni Timothy paano ang gagawing kilos nahihiya pa rin siya sa nangyari kanina ayaw niyang pag-isipan siya ng dalaga. Nahalata naman ito ng ni Melissa sinikap niyang maging natural na parang walang nangyari. Pagbaba ng kapamilya ay agad na silang kumain. “Lola, ito na lang po ang binili ko alam ko pong nabawasan ang ulam ninyo kaninang hapon” pag-imporma ng binata. “Naku apo! Hindi mo naman kailangang palitan pero salamat!” nakangiting sagot ng matanda. Napapaisip si Melissa masyado na atang attach ang lola niya sa binata baka pag nadestino ito sa ibang lugar ay malungkot ito.
Lahat ay nabusog ng gabing iyon dahil sa kwento ni Ivan.